Bawal kumain dito!

Ayos lang araw na to para sakin. Nakakaantok sa rum kasi laging late ang teachers tas yung iba wala pa. Ano gagawin? Edi matulog! Naglatag pa nga ng kumot sa sahig kaklase ko eh haha. tas incomplete uniform ako sa PE kasi nakapantalon ako. Kasi naman yung jogging pants ko HANGING PANTS na. Tas ambaho sa room namin. Amoy pagkain in a sense na ang sakit na sa ulo. Amoy sibuyas na amoy kalamansi na amoy chicharon. Inilagay kasi sa likod ng room namin yung kitchen para sa canteen. Eh naka-aircon kami kaya ambaho.

Tas para sa Biotech namin, may gagawin daw sa science lab kaya required na magdala ng labgown. Eh nakalimutan ko yung akin. Nagpatxt pa ako sa mabait naming adviser dati para maipadala ko sa mami. Kasi pag walang labgown -5 agad. Eh hindi nabasa ni mudrakels yung text ko kaya di nya nadala yung labgown ko -.- Napilitan tuloy akong manghiram sa ibang section. Eh pag nalaman yun ng teacher namin, may -5 din! Ang lala no?!

Then dun sa science lab bawal kumain. Yung gagawin naman na lab activity ang gagamitin : large and small marshmallows, gumball tsaka red candy. Edi nakakagutom na period yun. At dahil nasa likod ng lab yung group namin…kumain pa rin kami :) Nung naisubo ko na sa bibig ko yung malaking marshmallow, nakita ko na papalapit si Mam. Para wag mapagalitan nilunok ko ng buo yung malaking marshmallow :D Buti na lang talaga malambot yung mallows kundi…haha